Mga Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad
(simile) – Ito ay simpleng paghahambing ng dalawang bagay na magkaibaulad
na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa sa pangkalahatang anyongunit may
mga pagkakat. Ito’y gumagamit ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, para
ng, kawangis ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa.
Halimbawa:
- Gaya ng halamang lumaki sa tubig
- Ako’y tila isang nakadipang kurus
- Parang hinahagkan ang paa ng
Diyos
- Ang buhay ay tulad ng isang batis
2. Pagwawangis (metaphor) – Ito
ay isang tayutay na nagsasagawa ng
paglilipat ng mga salitang nangangahulugan ng isang bagay na nagpapahayag ng
ibang bagay. ibang bagay. Sa madaling
salita, sa pagwawangis ay inaalis ang hambingang salita’t pariralang ginamit sa
pagtutulad o simile. Sa pagtutulad,
ang A ay gaya ng B at sa pagwawangis ay ang A ay B.
Halimbawa:
Ang
kanyang kahapon ay isang tanghalan
Ng
mga lihim nya’t mga karanasan
Ang
buhay nyang hiram ay naging tanggulan
Sa
kanyang gunita ay ayaw alpasan
MBM
Paunawa: Ang
pagwawangis ay karaniwan nang maaaring palawakin sa isang
pagtutulad, isang pahalintulad o alinman sa
dalawang huli na maaaring
tipiinnaman sa isang pagwawangis.
Halimbawa:
Pagtutulad: Kaakit-akit ang
KANYANG MGA MATANG ANAKI’Y BITUIN.
Pagwawangis: Kaakit-akit ang
kanyang mga MATANG BITUIN.
3. Pahalintulad
(analogy) – Ito ay isang tayutay na may tambalang paghahambing na
nagangahulugan ng pagkakawangki ng mga pagkakaugnay.
Halimbawa:
“At
siya’y namangha at kanyang namalas,
Naganap
ang tagpo’y mistulang pangarap;
SAANMAN
TUMITIG,
DILAG
AY NAGLIGID
SIYA’T
TANGING SIYA ANG PARUPARONG- GUBAT
“MANDI’Y
ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.”
-Sa
tulang “Himala”
ni
Dominador B. Silos
4. Pahambing
(comparison) – Ito ay tayutay na naghahambing
ng tao o bagay sa iba, o nagpapalagayna ang dalawa’y magkawangis sa isang
katangian o kauring kapwa angkin ng mga ito. Balangkas: S A ay….ni B
Halimbawa:
MABANGONG
BULAKLAK! . . . SIMBANGO
ng
di pa nahahagkang PISNGI ng isang dalaga . .
MAPUTING
BULAKLAK! . . .SIMPUTI ng
puring
alaalaga pa ng napakahinhi’t mutyang dalagita! . . .
-
Sa tulang “Sampaguita”
Ni Pedro
Gatmaitan
Tandaan: Ang
paghahambing sa tayutay na ito’y karaniwang ginagamitan ng unlaping
sing-, maging-, at magkasing- at ang iba pang anyong maraamihan ng mga
ito,
gayundin ay maaaring gamitan ang gaga o gangga - bilang unalapi sa
hambinganag magkatulad.
5. Pagsasatao (personification)
– Ito ay tayutay na paglilipatsa katangian ng tao sa mga walang buhay. Ang mga
bagay ay tinuturing na mga tao na may damdamin, kaisipan, nagsasalita,
nakadarama ng kalungkutan, kaligayahanat kabiguan na parang tao. Sinasabi ring
paglalapat ng kaasalan sa mga bagay na non-human.
Halimbawa:
PATI
ULAP AY SUMAYAW SA BAYO NG HANGIN
Sa
bugso ng ulan pati langit ay nagdilim
IBONG NAGSASAYA sa may dakong papawirin
Ay
biglang nawala dahil sa bagyong darating.
ANG
UNOS NA SUMAPIT AY NAGPAALAALANG
Ang
tao ay marupok sadyang maksalanan
Ang
gawang mabuti’y kanyang kinalilimutan
Ang
gawang masama’y kanyang kinaluwalhatian
6. Paurintao
(transferred epithet) – Ito ay isang
tayutay na paharaya at pasalaysay ang paraan ng pagbibigay katauhan sa isang
bagay na walang buhay o kaisipan, naipapahayag ito ng pang-uri.
Halimbawa:
“Kung
minsa’y Buwan kang
Ang
MAYUMING GANDA at iwing liwanag sa TULOG
KONG PUSO’Y
Kay
limit sugpuin ng TUKSONG PANGARAP;
Ang
katauhan ko;
Likas
mang pihikan sa kaway ng galak
Di
mamakailang
Binalisa
moring kung ilang magdamag;
Pagkaumaga
na . .
Ang
iyong karikta’y siyang hinahanap,
Subalit
Buwan kang
kaydaling
maglahong lumingning at dilag!”
-Sa tulang “O,
Ang Babae”
Ni
Leoncio S. Gonzales
7. Pangitain
(vision) – Sa tayutay na ito, ang
nagsasalita at ang nilalaman ng isip ay
animo’y tunay na kaharap o nakikita
ng makata.
Halimbawa:
Tayo
na pangarap at ating galain
Ang
di nakikitang pook-salimsim
ANG
TATAHAKAN AY MAPUTING TANAWIN
AT
ANG MGA TALA’Y ATING DADALAWIN
Tayo
ay magpakpak
ng
bagwis ng hangin
At
kita’y lalapag
sa
may panginorin
-Sa tulang “Isang
Patunguhan”
Ni A.G. Angeles
8. Panawagan
(apostrophe) – May kagyat na pagputol sa naunang paraan ng
pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang panauhan
ng isang tao o bagay, karaniwan nang isang
patay o isang harayahing bagay.
Halimbawa:
“Nakapugol
ako sa kasunong saklap
Na
sa aking dibdib ay halos gumahak
Kaluluwa
ko’y tigib, puso ko ay wasak,
Sa piitang sakit, aliping
nalagmak…
O
ibon, maanong sa iyong paglipad,
Isakay
mo ako sa angkin mong pakpak
Tulungan
mo nganng sa dusa’y umalpas,
Ibig
kong malimot ang huling magdamag!
-Sa
tulang “O Ibon”
Ni Batubalani
9.
Padamdam (exclamation) – Nagmumula sa bulalas ng isang masidhi o
pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
“Ayan,
ang kabaong na pasan ng tao.
Irog,
sumama ka at kakilala mo!
May
ilang karamay, korona’t musiko,
Ihahatid
na raw sa wakas ng mundo!
Nang
ihuhulog na ang kabaong . . . NAKU!
Ako
pala’y siyang ililibing ninyo!!!
-Sa tulang “Hindi Man
Lamang Nakita”
Ni Jose Corazon de Jesus
10. Patalinghaga (allegory) –
Ito ay isang tayutay na ang kahulugan ay hindi tahasang ipinahihiwatig sa tula
at ang taludturan ay kinapapalooban ng mga talinghaga.
Halimbawa:
“Nag-alama
ang lunggati, sa budhi ay sumisikad,
Kalayaan,
kalayaan ang tuwina’y hinahangad.
Dumadamba,
damadamba kapag renda’y hinahatak
O,
kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak”
-Sa
tulang “Erotique”
Ni
Frederico Licsi Espino Jr.
Ang
magdamag niya
ay
nakipaglamay sa gabing naidlip
na
may simulaing
may
bigkis na giting na hindi mapabatid;
taglay
ang pag-asa
at
init, adhikaing hindi rin nanlamig
sa
huling hantungang
hihimlayan
niyang sariling daigdig
-
Saknong sa tula ni
Graciano Lopez Jaena na
Walang
pamagat
11. Balintuna (irony)
– Ito ay isang tayutay na sa pamamagita nito ang kahulugang patitik ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran
sa tangkang sabihin, dahil sa ang isang bagay na sinabi ay may ibang
pakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang.
Halimbawa:
“Ang
tao kung minsa’y batang nagagalak,
Utal
pa ang dila, kung mangusap, patas!
Ipako
si Kristo ang sabi ng lahat
At
ang pagkawala’y itong si Barabas . . .!
-Sa
tulang “Ang sasabihin ng Tao”
Ni
Jose Corazon de Jesus
12. Pauroy o mapang-uyam (sarcasm) – Ito ay isang tayutay na ipinahihiwatig sa paraan o tono ng pagsasalita. Ito’y isang panunudyo o
pangungutya sa tao, bagay at pangyayari.
Halimbawa:
1.
Iginagalang. Dinarakila sa gawain
niyang banal. Niyuyukuan. Pinupuri ng balana; siya ay minamahal. Sa
paglilingkod sa kapwa’t sa bayan, siya ay ikinarangal ngunit sa kaban pala ng
bayan, siya ay isang halimaw.
2.
Anong yaman ng babae upang siya ay
magtiis sa bahay na gumigiray at kayrami pa ng ipis.
3.
Kay talino ni Felipe upang siya ay
maloko ng lalaking ang layunin, bilugin ang kanyang ulo.
13. Pagmamalabis (hyperbole)
– Ito ay isang tayutay na ang ang kaigtingan ay sobra sa normal na katangian ng
bagay o tao na nais ipahayag.
Halimbawa:
Dadanak
ang dugo sa lupain ito
Kapag
di nangyari itong aking gusto
Susumpain
ka pa ng dinidiyos mo!
Daraanan
mo ibabaw ng bangkay ko!
14. Paradoha (Paradox)
– Ito ay isang tayutay na ang tinutukoy ay
isang pahayag na sa biglang akala’y
magkasalungat ngunit kung masusing lilimiin o ipaliliwanag ay
nagpapahayag ng isang katotohanan.
Halimbawa:
“Ako’y
di inutil,” ang iyak ng pilay
“Kaya
kong tumayo’t gumawang mahusay!”
Kung
ito’y totoo, siya ay bulaan.
-Lirio
G.Mendoza-
15. Pagpapalit-saklaw (Synedoche) – Ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi ng
isang bagay o kaisipan bilang katapat ng kabuuan.
Halimbawa:
1.
Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo
2.
Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko
3. Ipakilala natin sa buong baya na
tayo’y may pagkakaisa
16. Pagpapalit-tawag (metonymy) – Ito ay isang uri ng tayutay na gingamit sa pagpapalit
ng pagtukoy o pagtawag sa bagay o
tao na pinatutungkulan. Ito’y pansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na
magkakaugnay. Ito’y palasak sa mga karaniwang usapan. “Siya’y laking iskwater”,
ibig sabihin nito’y basagulero o palaaway.
Halimbawa:
“Ang
pag-ibig ay ating kaligtasan
Banal
na pag-ibig at katotohanan.”
17. Patambis (anithesis) –Ito ay isang paglalagay ng
isang sugnay o ibang bahagi ng pangugusap laban sa isa pa na sinasalungat
niyon.
Halimbawa:
“Ang
bangan ng lahi kong ibig mapuno,
Sa akin ay pawis ang dapat ibugso;
Susdod hindi sundang! Punla hindi
Punlo!
Binhi hindi bomba! Pawis hindi
dugo!”
-Sa
tulang “Pawis Hindi Dugo”
ni Teo S. Baylen
18. Patiwas (epigram)
–Ito ay isang mahayap o patambis na kasabihan tungo at nagwawakas sa isang
malundo o matalinong kaisipan.
Halimbawa:
At
ang kanyang anak, sa yama’y mag-angkin
Ang tawag ng bayan ay maginoo rin!
Ating pag-uugali nang ang suwi ng
saging,
Gadangkal pa lamang saging nang
tawagin!
Mana-manang yaman sa habang panahon,
Walang anu-ano ang bata’y naulol!
At ang mga tao ay nakapagtanong:
“Kakayamang tao, bakit nagkaganon?”
At
ang pangyayari ang sumagot naman:
“Iyang ama nya’y baliw nang namatay,
Namana ang pilak, ano’t pagtatakhang
Manahin sa ama pati kabaligtaran
-Sa
tulang “Ang Maginoo”
ni Jose Corazon de Jesus
19. Pabugtong (riddle) – Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na
papikit-mat o pampalitong sinasalita upang maging pahulaan.
Halimbawa:
Kung
babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong
kakamtan;
Datapwat pag ako’y minsanang
pinatay,
Ang buhay kong ingat lalong
magtatagal
-
Kandila
20. Pasaliwa (apostrophe) – Ito ay isang pagsasaliwa ng kinagawian o katutubong ayos
ng mga salita.
Halimbawa:
“Ang
hilaw na hininog sa pilit ay hilaw pa rin, namnamin man ay mapait,”
Kasabihan:
“Ngunit
ang mabuting pilit, pinasama man ay mabuti rin kahit.”
-
Simon A. Mercado
21. Pahidwa (oxymoron)
– Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na
nagbubunga ng isang bisa sa pamamagitan ng mandi’y pansariling paghihidwa.
Halimbawa:
Noon
ko nakitang ANG MALULUNGKOT AY SUMAYA
Dahil sa pagdating ng kanyang ama at
ina
No’n ko nadama ang SARAP NG
PANGUNGULILA
Pagkat sa LUMBAT N’YA AY NAROON ANG PAG-ASA.
22. Pag-uulit (germination)
– Ito ay kagyat na pag-uulit ng isang salita saan mang bahagi ng mga taludtod
ng tula.
Halimbawa:
“taghoy
ng pagkasing sa lambing at timyas
ay di nman taghoy;
tinghoy na ang ningas ay
nagluluningning
kayat hindi tinghoy;
luoy na talutot na ang aking bango’y
bangong
di naluoy;
lamuymoy ng sintang nang maging
hinaing ay gintong
lamuymoy.”
-
Sa tulang “Ang Tula”
ni
Fernando B. Monleon
23. Pasintunog (onomatopoeia) – Ito ay paggamit ng mga
salitang kung ano ang gamit o tunog ay
siyang kahulugan.
Halimbawa:
“Magbuhat
na noo’y pinagkatakutan,
Ayaw nang pasukin ang Lumang
Simabahan;
ANG KAMPANANG BASAG NA BAHAW NA
BAHAW
KUNG ANO’T TUMUNOG SA MADALING ARAW.
AT ANG TINUGTOG AGUNYAS NG PATAY;
Saka nang dumating ang kinabukasan
May PUNTOD nang LIBING SA HARAP NG
ALTAR
-
Sa tulang “Ang Lumang Simbahan”
ni Florentino Collantes
24. Pagtanggi (litotes) – Hindi ang
pangunahing palatandaan.
Halimbawa:
HINDI,
sapagkat ang tao ay marupok!
Madaling
mapaso’t madaling matupok;
HINDI
nga’t sapagkat s’ya nga ay alakabok!
Madaling
magmaliw madaling mapagod!
Itong Kagubatan
Milagros B. Macaraig
Milagros B. Macaraig
Dati
ay masaya itong kagubatan,
May
luntiang daho’t mga kabundukan;
Kahoy
na mataas tila nagduruyan,
Mga
ibo’t hayop doong nanahan.
Kagubatan
noong mistula ay langit,
Mga
mangangasong doo’y sumasapit
May
galak sa puso ang hapis na dibdib
Dahil
kalikasa’y sadyang may pang-akit.
Masdan
ang araw kapag sumisikat
Sa
pisngi ng lagit tila nagniningas;
Sabog
na biyaya animo’y busilak,
Lalo’t
tumatama sa maamong gubat.
Ngunit
ano ngayon ang napagsapit na,
Ng
saganang gubat na dati’y kayganda?
Mga
ibo’t hayop na dati’y masaya,
Walang
masilungan, di alam ang punta!
Mataas
na kahoy kanilang pinutol,
Sinra
pa nila ang luntiang dahon;
Damong
makukulay pati ay pinupol,
At
inabuso rin bundok, mga burol.
Ang
mga kulisap, mga kaparangan,
Pati
mga hiyas nitong kabundukan;
Ang
biyayang bigay nitong kalikasan,
Ay
ubos nang lahat kaydaling naparam!
Ganda
nitong gubat sa mata’y nawaglit,
Winasak
. . . Winasak at sinirang pilit;
Mga
kabundukang dati ngang matarik,
Giniba’t
sinira ng kung sinong lintik!
Puno,
damo, baging, mga kaparangan,
Ngayon
ay wala na, wala na’yong yaman;
Ang
dating panahon, mga kalikasan,
Wari’y
nalulungkot parang namatayan!
May
lungkot sa puso ang mga bukirin,
Ang
saganang gubat at nahihilahil;
Ilog,
sapa’t batis tila ba’y nanimdim
Sa
napagsapit na hirap at tiisin.
Tayo
kayang tao’y di na magbabago,
Hidi
na titigil sa pang-aabuso;
Hindi
na hihinto paglikha ng gulo,
Di
na mananawa sa gawaing ganito?
Pagdating
ng araw tayo’y magsisisi,
Kapagka
naranasan ang sigwa at peste;
Ng
baha at lindol at sakunang grabe,
Ang
pinsalang dulot sa atin ang ganti!
Habang
may panahon tayo ay mag-isip,
Abuso
sa gubat ay iwasang pilit;
Tayo’y
magbago na sa gawaing ganid,
Gawang
di mabuti’y sama ang kapalit
bakit ba't iba iba ang term sa tagalog pagdating sa iba
TumugonBurahinSalamat s impormasyon.
TumugonBurahinBat iba iba ang ang term ?
TumugonBurahinCasino Promo Codes and Coupons - JeMhub
TumugonBurahinCasino Coupons 군포 출장마사지 for New Customers · 경상북도 출장샵 Coupon Code: 공주 출장안마 No Code Required · 안양 출장안마 Additional 문경 출장샵 exclusives: No Code Required · Promo Code: