GUNIGUNI
ANG
GUNIGUNI
Sa
pagsulat ng anumang akdang pampanitikan, sa malikot na pananaw ng makata ay
hindi niya makakaligtaan ang gumamit ng guniguni. Ito ay nakaradagdag ng madali
sa kahalagahan ng alinmang akdang sining. Tunghayan ang tula ni Jose de Jesus
tungkol sa punongkahoy.
ISANG
PUNONGKAHOY
Jose Corazon de Jesus
Kung tatanawin mo sa malayong
bundok,
Ako’y tila isang
nakadipang krus
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos!
Organo , sa loob ng isang
simbahan,
Ay nananalangin sa
kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan. . .
Sa aking paanan ay may
isang batis,
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis,
Sa mga sanga ko ay
nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng
pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng
batis na iyan
Asa mo ri’y agos ng
lubhang nunukal
At saka ang buwang tila
nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting
malamlam!
Ang mga kampana sa tuwing
orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng
taghoy
Ibon sa sanga ko’y may
tabing ng dahon,
Batis sa paa ko’y may luha
ng daloy.
Ngunit tingnan niyo ang
aking narating,
Natuyo, namatay sa
sariling aliw,
Naging krus ako ng
pagsuyong laing ,
At bantay sa hukay sa
gitna ng dilim.
Wala na, ang gabi ay
lambong ng luksa,
Panakip sa aking
namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa
pagkakahiga
Ni ibon ni tao’y hindi na
natuwa!
At iyong isipin nang
nagdaang araw,
Isang kahoy akong malago’t
malabay,
Ngayon ang sanga ko’y
kurus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona
ng buhay.
Sa tulang ito,
nagawang ipamalas ng makata ang kanyang sarili sa pamamagitan ng taludtod.
Nagawa niyang ipakilala kung paano naglaro ang kanyang malikhaing guniguni sa
tula na siya sa kanyang sarili lamang ang tanging nakalilikha, nakabubuo at
nakapagpapaliwanag. Nasasalamin ditto ang damdaming nag-umapaw sa puso ng
makata at ang paghuhulagpos ng damdaming iyan na nauwi sa panghihinayang.
Pansinin ang isa pang tula na kung saan nagtulak sa may-akda para likhain ito
ay ang kanya ring guniguni na maaaring napahuyap niya sa panahong siya’y
nagtatamong, nalilito at nag-iisa. Ang tulang ito ay nagtamo ng unang
gantimpala sa timpalak-pantik na iginawad sa Paaralang Gradwado ng Pamantasang
Normal ng Pilipinas, taong 1976.
MAGING SINO KA
MAN
Milagros B. Macaraig
Sa
iyong bangungot ika’y may narinig,
Isang
bulong wari’y kapus yaong tinig;
Sa
pagkahimlay ika’y napatindig,
Sapo
yaong noo pati iyang dibdib!
At sa
durungan ikaw ay nanungaw,
At
nagmatyag-matyag sa dakong karimlan;
Nagmasid-masid
ka’t saka mo inusal,
Sino
kaya siya… sya kaya’y nasaan?
Dahil
ang nais mo’y mabatid ang bulong,
Kung
saan nagbuhat hagdan ay tinunton,
Binibitbit
ang tabak sa puluhang kahoy,
At saka
nagsindi ng ilawang bumbong.
Madilim
na landas ang iyong binagtas,
Taglay
sa sariling ika’y maghahanap;
Ang
tabak at sulong iyong inapuhap,
Kinasangkapan mo sa pagpapagalugad.
Mahabang sandal ang iyong
ginugol,
Sa
paghahanap mo’y wala kang hinahon;
Ikaw ay
nabigo sa pita mo’t misyon,
Ang
pakay mo’t hangad hindi mo natunton!
Ang
hapong katawan at pagal na isip,
At
muling nagpilit sa kubo’y bumalik;
Muling
iniunat ang paa at bisig,
Hanggang
makatulog mata mo’y mapikit.
Nagbukang-liwayway
sunod ang umaga,
Pangyayaring
iyon ‘yong naalaala
Sa
iyong sarili ay nagtatanong ka,
Ano
kaya iyon … sino kaya siya?
Ang
mga taludtod ng tula ay naglalarawan ng kahiwagaang hindimatugunan ng lakas at
isipan ng may-akda. Ngunit sa tulang ito ay maipapaliwanag niya ang tinutugpang
kahulugan ng kanyang bungang-tulog. Maaaring masabing naging matalas ang
kanyang pakiramdam ngunit mahina ang kanyang mga paningin dahil hindi niya
natagpuan ang nakakubling bagay o pangitaing nagmamalas at natatanaw ng iba.
Hindi mabanaagan ng awtor ang silahis ng liwanag na lumalambong sa karimlan
ngunit dahil sa kanyang taglay na pakiramdam alam niya ang kanyang tutugpain,
ang kanyang mararating. Ito marahil ang sagimsim ng makata na siyang
nangingibabaw sa alinmang akdang tula. Sa pagiging totoo ng makata, nararamtam
niya ang magagarang kasuotan ang mga pangungusap sa paggamit ng mga piling
salita, naisasataludtod ang mga kaisipan at dinamtan ng makulay na kappa upang
mapalitaw ang pambihirang kahiwagaan at katotohanan. Ito ang naghahatid sa
makata para makalikha ng guniguni na ang tanging pinagmulan ay ang sagimsim na
likha ng kanyang bungang-tulog. Ito’y hindi isang kabaliwang panaginip.
Ang Sagimsim
Ang labis na
kapootan, walang kahulilip na kagalakan at kapighatian ay siyang
pinamumulaklakan ng sagimsim. Tunghayan ang tulang sumusunod mula sa aklat ni
Dr. Paz Belvez (Pamana – Katutubong Panitikan at Sining ng Pagkukuwento at
Pagtula)
Ang
Ilaw sa Parol
ni Cirio H. Panganiban
I
ILAW!... Gabi-gabi, ang ilaw na yaon
Ay
sinisindihan sa loob ng parol.
Isang munting kamay, kulubot at luoy.
Ang di
na magsawang sa habang panaho’y
Laging nag-iilaw sa ulilang balkon…
May pitong taon na ang nakalilipas
Mula
ngang umalis ang bugtong na anak.
-Lumaki sa layaw, nagmana ang pilak,
At ang magbinatang busog sa pangarap,
Nilinisan ang Ina’t ang mundo’y nilipad!
Kaya, buhat noon, ang Inang may hapis
Sa bugtong-hininga sugatan ang dibdib,
Inang palibhasa’y Ina ng Pag-ibig,
Hinihintay-hintay na muling magbalik.
Ang kanyang pag-asa’y darating sa bahay
Kaya, gabi-gabi, ang Ina’y may tanglaw,
Ilaw ng Pag-ibig sa dating tahanan,t
Patnubay ng anak sa kanyang pagdatal!
II
Ibong nakakulong, kapag nakalaya,
I ibig dumapo sa sangang mababa!
Ito ang nangyari sa
ating binate,
Sa nasang nakambtan ang sangundong tuwa’y
Halos di-ituntong ang paa sa lupa!
Mabilis ang kampay nitong kanyang pakpak
na nakikihabol sa lipad ng limbas
Ibig na ang langit ay kanyang malipad
Kahit
pagkatapos, sa siwang ng ulap,
Magsabulalakaw
na muling malaglag;
Parang
nabulanggp sa pulo ng Lagim,
Tumakas nang
upang humanap ng Aliw.
Puso palibhasa’y
uhaw sa Paggiliw,
Sa alak ng Buhay
ay nagpakalasing,
Nangarap sa
kislap ng mga bituin!
Sa lalong
malawak na dagat ng buhay
Ay pinapamangka
ang murang isipan.
Sinundan ang
gaos ng kaligayahan,
At nng
mapasadsad sa dalampasiga’y
Humabol sa bula
ng alon sa pampang!
Dati, sa
bakurang alaga ng Ina,
Lumuwal sa pinto
ng pagkakasala,
Humanap ng laya
sa mundong ligaya,
At nang
mahumaling sa bango at ganda’y
Sumusunod sa
kaway ng maling pag-asa!
Sa hardin ng
kanyang mga panaginip,
puso ay nagtanim
ng unang pag-ibig.
Ito’y namulaklak
sa init ng halik,
Magandang
bulaklak na wala na raw tinik,
Bakit sumusugod
sa may sintang dibdib?
III
Sa mahabang
k’wintas na pinagdasalan
Ng hirap ng
kanyang sinapit na buhay,
Ay ikasampu na
ang yugto ng lumbay . . .
Natapos ang
pista! Wala nang tugtugan!
Naubos ang
handa, nabasag ang pinggan!
Labong ng
kawayang nagpakatingala,
Tunglan nang
lumaki’t mahutok sa lupa.
Ganyan siya
ngayon: may sait, maputla,
Wala nang
salapi, kaibigay’y wala,
May tinik sa
puso’t sa mata’y may luha.
Sa kanyang
gunita’y nagbabalik ngayon
ang masayang
araw ng kanyang kahapon.
Nang siya’y
mapilak, siya’y Panginoon,
Dangal ng
lipunan, Hiyas ng Panahon,
Irog ng dalaga,
tagumpay ng layon…
Mataas na uri ng
kanyang kilatis,
sapagkat
makislap pati kanyang damit,
ang mundo nga
naman, daig pa ang pikit!...
walang
tinitingnan kundi ang kilatis.
Mangarap? . . .
tao ka, kahit walang bait!
Sa kislap ng
kanyang mga ginto’t pilak
ay
humahabol-habol pati alitaptap.
Nasilaw ang tala
sa kanyang liwanag,
Ngunit nang
maglho ang dating anag-ag,
isa mang bitui’y
hindi na sumikat!
Sa bula ng alak
ay kanyang nilunod
Ang hirap at
sakit nitong ansinukob.
Kanyang pinsaya
ang nangalulungkot;
Ngunit nang
magmaliw ang pistang natapos,
Nagtawa sa kanya
ang nagsipanood!
Sa palad ng
kamay, kanyang pinakain
Ang mga
katotohanang tapat kung magturing,
Kaydaming
nabusog sa kanyang paggiliw
Ngunit nang
magsaid ang lahat nang hain,
Katoto’u nawala!
– Ang aso? … Narin din!
IV
Sa loob ng isang
luma nang simbahan
Ang anak na
sawi’y lumuhod sa altar.
Sa ngalan ng
Birheng Ina ng Maykapal,
Yaong
‘Pagsisisi” ay kanyang dinasal.
Pagkatapos,
nagk’rus, at doo’y lumisan.
Sa pinagkrusan
na maraming landas,
Tagpuan ng mga
naligaw na palad,
Kanyang
tinalunton ang sariling bakas,
Nagpagpag pang
minsan ng gabok at layak,
Nagbuntung-hininga
at muling lumakad.
Sa gilid ng
daan, ang nagtayong kahoy,
Nakaluhod
manding bantay ng panahon,
Ay masusukatan
ang layo sa nayon,
Mga ilang liko
at sanlipad-ibon,
Matatanaw na rin
ang kanilang bubong.
Ngunit gumabi
na. At saka na may dilim
Na sag awing
laot ay nagpapalagim,
Makasandali pa’y
umunos ang hangin,
Bumugso ang
ulan, at ang panganori’y,
Binati ng kidlat
na lubhang matalim.
Sa tanglaw ng
kidlat, kanyang naliliklik,
Pati ang
talunton ng mahabang batis.
Ang batis na
yao’y kanyang nababatid,
Dating salaminan
ng bughaw na langit,
Hangganan ng
lupang kanyang iniibig.
Ang ilaw ng
parol, ay napansin niyang
Malamlam ang
sinag, malungkot, ulila.
At ang kanyang
luha’y humilam sa mata,
At ang kanyang
dibdib ay lalong kumaba.
Buhay kaya,
Diyos, ang mahal kong Ina…
V
Lagpak ang
katawang sumapit sa balkon.
Na tinatanglawan
ng ilaw sa parol.
Tumahol ang aso.
At ang taong yao’y
Sinasal ng ubo,
pagkuwa’y kinandong.
Ng munting
kamay, kulubot at luoy.
Sa bisig ng Ina,
anak ay nagbalik,
Katulad ng isang
malayong pag-ibig.
Sa bisig na
yaon, ang wasak na dibdib,
Para lang
humanap ng sandaling langit,
Humimlay nang
upang ganap na umidlip.
Mainit na
bangkay at maputlang mukha,
Hinahagkan-hagkan
ng Inang may luha.
Yaon ang
pag-ibig na lubhang dakila,
Pag-ibig ng ina
na Ina ng Awa,
Pag-ibig ng
pusong Puso ni Bathala!
Ang palad ng
tao’y umasa’t maghintay
Saka kung
dumating ang palad na iyan,
Ang huling
pag-asa’y agad namamatay…
At gaya ng parol
sa dating tahanan
Kung kalian nang
gabing namatay ang ilaw!
ANG
SIMBOLO
Ayon
kay Landicho (1972), ang simbolo ay isang makasining na sangkap na ang layunin
ay kumtawan sa isang uri ng damdamin, bagay, paniniwala o kaisipan. Ayon sa
kanya, lahat ng akdang pampanitikan ay nagtataglay nito dahil ito ay nagdudulot
ng kaisahang-kintal o diwa sa akda. Batay sa wastong paggamit ng manunulat, ang
simbolo ay kahiwagaan at katotohanan. Ito ang naghahatid sa makata para
makalikha ng guniguni na ang tanging pinagmulan ay ang sagimsim na likha ng
kanyang bungang-tulog. Ito’y hindi isang kabaliwang panaginip.
Ang
Pagbabalik
ni Jose Corazon
de Jesus
Babahagya ko
nang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y
luha ang nangag-unahan;
Isang panyong
puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan
ko sa tabing hagdan;
Sa gayong
kalungkot na pinaghihiway,
Mamamatay ako….
siya’y nalulumbay!
Nang sa
tarangkahan ako’y makabagtas,
Pasigaw ang
sabing, ‘Magbalik ka agad!’
Ang sagot ko’y
‘Oo, hindi magluluwat!’
Nakangiti akong
luha’y nalalaglag…
At ako’y umalis,
tinunton ang landas
Na biyak ang
puso’t iniwan ang kabyak!
Lubog na ang
araw, kalat na ang dilim,
At ang nuwan
nama’y ibig nang magningning;
Nakaorasyon na
noong aking datnin
Ang pinagsadya
kong malayong lupain;
K’wagong nasa
kubo’t mga ibong itim
Ang
nagsisalubong sa aking pagdating.
Sa pinto ng
narong tahana’y kumatok,
Pinatuloy ako ng
magandang loob;
Kumain nang
konti, natulog sa lungkot
Ang puso kong
tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko,
‘Pusong naglalagot’
Mamatay kung
ako’y talagang tulog!’
Nang
kinabukasang magawak ang dilim,
Araw’y
namintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na
ang dapat kong gawin;
Ako’y nag-araro,
naglinang, nagtanim;
Nang
magdidisyembre, tanim sa kaingin
Ay ginapas ko
na’t sa irog dadalhin.
At ako’y umuwi,
taglay ko ang lahat,
Mga
bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak ng damo
sa gilid ng landas
Ay pinupol ko
na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y
umalis, siya’y umiiyak…
Oh, marahil
ngayon – siya’y magagalak!
At ako’y
lumakad, halos lakad-takbo,
Sa may dakong
ami’y meron pang musiko;
Ang aming
thana’y masayang totoo
At nagkakagulo
ang maraming tao…
‘Salamat sa
Diyos!’ ang naibigkas ko,
‘Nalalaman nila
na darating ako.’
At ako’y
tumuloy… pinto nang mabuksan,
Mata’y napapikit
sa aking namasdan;
Apat na kandila
ang nangagbabantay
Sa paligid-ligid
ng irog kong bangkay;
Mukha’y
nakangiti at nang aking hagkan,
Para pang
sinabi: ‘Irog ko, paalam!’
Sa tulang ito, maraming simbolismo ang
ginamit ng makata na maaaring matukoy ng mga bumabasa. Mga simbolong ang
tanging kahulugan ay di nalalayo sa ibig ipahiwatig ng may-akda dahil sa isang
damdaming pinipithaya na likha ng kanyang karanasan na pinupuno ng madudulang
tagpo sa kanyang buhay.
Ang simbolo kung gayon ay mabibigyan ng
katuturang anumang pangitaing sumasagisag sa anumang bagay na pinagigitaw sa
isipan o imahinasyon o maging damdamin ng makata. Sa bawat akdang tula hindi
mawawala ang bagay na ito. Ito ang siyang tumatayong kasangkapan ng makata para
lalo niyang maibulaslas ang nais niyang tukuyin sa hindi lantarang paraan ng
pagpapahayag.
-FFAI (06-11-17)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento